Chorizo Fried Rice
Sangkap:
- 4 tasang leftover rice
- 1 tasang frozen corn kernels
- 3 pirasong (around 250g) chorizos, tadtarin
- ½ green bell pepper, tadtarin
- 1 kutsarang soy sauce
- 1 kutsaritang chili powder
- 1 kutsaritang paprika
- 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
- mantika
Paraan:
- Lagyan ng mantika ang kawali at igisa ang chorizo hanggang ito ay maluto.
- Ihalo ang bawang, bell pepper at chili powder.
- Ihalo ang kanin at soy sauce at haluin mabuti.
- Idagdag ang corn at paprika at ipagpatuloy ang paggigisa sa loob ng 5 minuto.
- Hanguin sa kawali at ihain habang mainit.
Para sa iba pang recipe, bisitahin ang https://www.angsarap.net/