Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chilli con Carne

Ang Chili con Carne ay nagmula sa salitang Kastila na ibig sabihin ay Chili na may karne. Noon, ang recipe na ito ay ginagamitan ng pinatuyong karne, isang klase ng taba ng karne na tawag ay suet, tuyong chilli at asin. Ito ay sama-samang dinidikdik at pinatutuyo sa bato ( brick is a Spanish word for “Chili with meat”) na nagpapahaba ng buhay nito. Ito ay pwedeng kainin kasama ang Nachos, hotdog sa tinapay, burger at french fries.

Sangkap:
  • 500g giniling na karne
  • 1 malaking sibuyas (tadtaring maliit)
  • 4 na piraso ng bawang ( pitpitin at hiwaing maliliit)
  • 2 birds eye chilli (tadtaring maliit)
  • 3 tbsp. tomato paste
  • 400g kamatis (hiwaing maliit)
  • 400g red kidney beans (lutuin)
  • 2 tsp. dried oregano
  • 1 tsp. cumin
  • 1 1/2 tasang brown beef stock
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Sa isang kaserola, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
  2. Idagdag ang kamatis at lutuin sa loob ng 2 minuto o hanggang ang kamatis ay madurog.
  3. Idagdag ang karne at haluin hanggang maging brown ang kulay ( 3-5 minuto).
  4. Idagdag ang beef stock, tomato paste, cumin, chilli, oregano at kidney beans. Pakuluin at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto.
  5. Lagyan ng asin at paminta.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *