Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Chief Justice Corona, Nasasakdal

Guilty ang nakikitang hatol sa kaso ni Chief Justice Renato Corona, bukod sa ibedensyang pinagbasehan rin ng mga batikang sa batasan issue ng politika.

Natapos na ang 24 na araw ng pagliltis malalaman na ang kapalaran ni CJ Corona, para sa mga legal expert. Guilty ang magiging hatol ng mga senator judges.

Ayon kay Dean Amado Valdez ng UE College of Law., napuruhan ang punong ministrado sa article 2 o hindi pagdedeklara ng umanong kanyang tunay na yaman. Nakatulong rin sa presekyusyon ang pagtestigo ni Ombusman Conchita Carpio Morales, taliwas sa inaasahan niyang depensa.

Guilty rin ang nakikkitang hatol ng Dean ng UM College of Law. Ito’y kung pagbabasihan ang personal na paninindigan ng senador  judges at relasyon nila sa administrasyon.

19 na senator judges ang posibleng boboto ng GUILTY, habang 4 ang para sa Acquital ni Corona.

Ayon sa batas 16 na senador ang kailangang para ma convict ang punong ministrado dahil hindi ito isang kaso ng kriminal,hindi makukulong si Corona, kahit guilty ang hatol. Pero kahit papabor pa kay Corona ang magiging desisyon sa susunod na linggo, puwede pa rin siyang makasuhan ng kasong kriminal.

Sa oras ma convict ang Chief Justice hindi ito puwedeng i-apila ng kabilang kampo ni Corona. Maririnig na ngayong Lunes o Martes ang closing argrument prosekyusyon at depensa.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *