Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Chicken Quesadilla

Ang Quesadilla ay popular na Mexican turnover dish na ang sangkap ay cheese bilang main ingredient at sasamahan ng iba pang sangkap tulad ng chicken, beef mince, beans, vegetables o chillies. Ang mga ito ay ilalagay sa corn o flour tortilla at iti-tiklop pakalahati, iluluto sa pan, maaaring i-prito, i-grill, bake o deep fry ( tinatawag na quesadillas fritas) at hihiwain na pa-wedge bago ihain na may kasamang salsa, guacamole, o sour cream bilang sawsawan.

Sangkap:
  • 10 corn tortillas
  • 1 pirasong malaking chicken breast (pecho), roasted at hiniwang pahaba
  • 1 1/2 tasang Colby cheese, kinudkod o grated
  • 1 1/2 cup mozzarella cheese, grated
  • 2 kamatis, alisan ng balat at buto at hiwaing pakuwadrado
  • 1 sibuyas na puti, tadtarin
  • juice mula sa 1 lime
  • 2 jalapeno pepper, tanggalan ng buto at hiwaing maliliit
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan
  1. Sa isang maliit na mangkok paghaluin ang kamatis, sibuyas, lime juice, jalapeno, chicken strips, mozzarella cheese, Colby cheese, asin at paminta. Isantabi.
  2. Mantikaan ang frying pan at tanggalin angkung anumang sobrang mantika sa paggamit ng paper towel. Ilagay sa pinakamahinang init ang apoy, ialgay ang 1 flour tortilla sa pan, ilagay ang cheese at iba pang sangkap, pagkatapos ay ilagay sa ibabawa nito ang isa pang flour tortilla. Kapag ang ilalim ay medyo tostado at brown at ang cheese ay mag-umpisang matunaw, i-flip o baligtarin ang tortilla sa kabilang side hanggang sa maluto ito. Hanguin mula sa pan at ganun din ang gawin sa mga susunod na tortilla.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *