Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Chestnut: Flavor of Fall

Sa Japan, itinuturing na simbolo ng autumn ang chestnut o kuri. Ang makintab na kayumangging kulay nito, matamis na lasa at mahalimuyak na amoy ay ilan sa mga katangian nito kung bakit ito ay itinuturing na signature flavor ng autumn.

Ang pagkain ng chestnut sa Japan ay may mahabang kasaysayan. Ilan sa mga paboritong kinakain ay ang roasted chestnut na kadalasan ay hinahalo sa nilulutong kanin para makagawa ng kuri gohan; Hinahalo rin ito sa mga tradisyonal na minatamis tulad ng kuri yokan na isang uri ng jellied dessert na gawa sa chestnut at red bean paste, kuri kinton na candied chestnuts na may mashed Japanese sweet potatoes at kuri manju o sweet chestnut dumplings.

Ang maliit na bayan ng Obuse sa Nagano Prefecture ang pinakamalaking producer ng chestnut sa Japan. Ayon sa mga tala, unang itinanim dito ang mga buto ng chestnut ni Ogino Jōrin, isang mayamang lalaki mula sa Kyoto taong 1367. Kumalat sa buong lugar ang sabi-sabi na mainam ang lupain ng Obuse sa pagpaparami ng chestnut kaya ito ay kumalat sa lugar. Nagsimula naman ang paggawa ng mga dessert dito noong 1808 nang gamitin ng may-ari ng Sakurai-kanseidō, isa sa pinakamatandang confectioner sa lugar ang harina ng chestnut sa paggawa ng rakugan na ginagamit sa tea ceremony. Nang mga sumunod na taon ay nagtinda na sila ng iba’t ibang sweets na gawa sa chestnut. Umunlad ang industriya hanggang sa umabot ito sa iba’t ibang siyudad sa Japan.

Isa sa pinakakilalang grower ng chestnut sa Obuse ang Hiramatsu Farm. Bukod dito ay maaari rin dayuhin ang Kasama sa Ibaraki Prefecture kung saan may isinasagawang Chestnut Festival tuwing huling weekend ng Setyembre at unang weekend ng Oktubre na tiyak na mae-enjoy ng buong pamilya.

Maaari rin pasyalan ang mga popular na chestnut picking spots na ito:

Narita Dream Ranch

Chiba-Ken Narita-Shi Nagi 730

Tel.: 0476-96-1001

Period: Early Sept – Early Oct

Fee: 600 yen (500 g)

Kimitsu, Chiba

Period: Mid Sept – Mid Oct

Fee: 300 yen; Take out – 800 yen to 1,000 yen (1 kg)

Suganuma Gardens, Kanagawa

Period: September

Fee: 1,200 yen (1 kg)

Suzukien, Kagawa

Period: September

Fee: 1,000 yen (1 kg)

Ichikawa Park, Chiba

Period: Early Sept – Early Oct

Fee: Take away – 1000 yen ~ (1 kg)

Midori Wakamatsu Chestnut Garden

Period: Late Aug – Early Oct

Fee: 900 yen (1 kg)

Koyama Farm

Period: September

Fee: 700 yen (1 kg)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *