Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Travel

Cherry Blossoms at Mt. Yoshinoyama

Itinuturing na pinakapopular na cherry blossoms viewing spot ang Mt. Yoshinoyama sa Nara Prefecture dahil sa humigit kumulang na 30,000 uri ng cherry trees na matatagpuan dito, pinakamarami ang Yamazakura.

Kadalasan ay namumulaklak ang mga cherry blossoms dito mula huling bahagi ng Marso hanggang kalagitnaan ng Abril. Nahahati sa apat na bahagi ang mountain slope ng Yoshinoyama: ang Shimo Senbon (lower area), Naka Senbon (middle area), Kami Senbon (upper area) at Oku Senbon area. Sa pag-akyat ng mga lokal at dayuhang turista sa bundok na ito ay iba’t ibang uri ng sakura ang sasalubong sa kanilang mga mata na tiyak na magpapamangha sa kanila.

Bukod sa naggagandahang cherry blossoms ay mae-enjoy din ng mga turista ang hot springs sa lugar.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *