Home > Miscellaneous > Check for Lumps, Save your Bumps

Check for Lumps, Save your Bumps

Ang mammography ay ginagawa para sa mga kababaihang nasa edad 40 pataas dahil ito diumano ang edad na unti-unting humihina ang immune system ng katawan kaya mas madaling dapuan ng karamdaman. Ano nga ba ang senyales ng breast cancer?  Ito ay nag-uumpisa sa simpleng bukol na nabubuo mula sa cells sa didbdib. Ang tsansa na magkaroon nito ay kapag ang babae ay nagkaka-edad. At ang sanhi nito ay kapag ang mga cells na ito ay tumubo ng abnormal. Ang bukol na maaaring benign (hindi cancer) o malignant (cancer). Sa pamamagitan ng mammography ay nakikita kung may bukol sa dibdib ang isang babae. Sa mga unang pananaliksik, ang breast cancer ay namamana mula sa pamilya at naipapasa sa kanilang henerasyon. Sa makabagong pananaliksik, ang kapaligiran ay isa rin malaking factor kung kaya’t nagkakaroon ang isa sa walong kababaihan nito.

Ang cancer ay isang uri ng sakit na tahimik ngunit mabagsik. Wala itong ipinapakitang sintomas kundi ang maliit na bukol na tumubo sa dibdib. May ibang kababaihan ang madalas ipinapagsawalang-bahala ang mga ganitong senyales dahil ang akala nila ay simpleng kaso lamang ito at saka na lamang nila pagtutuunan ng pansin. Ang ganitong pananaw ang nagiging dahilan kung bakit ang isang sakit ay lumalala. Kung nakakaramdam ng pagbabago sa pangangatawan, magpasuri agad sa doktor.

Huwag matakot at huwag umiwas. Marami sa atin na kapag may nakapang bukol ay mas lalong natatakot na pumunta sa doktor dahil ayaw nilang malaman kung ano ang kanilang sakit. Ang sariling pagsusuri ay makakatulong upang malaman kung may nag-uumpisang abnormal na bukol sa dibdib.

Sa Pilipinas, ang breast cancer ang numero unong sakit ng mga kababaihan. May paraan sa pagtuklas nito. Laging tandaan, hindi lang ang mammography ang sagot sa katanungan kung ang isang babae ba ay may breast cancer. Kapag may nasilip na abnormalidad sa pamamagitan ng screening na ito, may iba pang paraan upang mas matiyak ang kalagayan tulad ng ultrasound o biopsy. Kapag may nakitang bukol na abnormal, kukuha ng maliit na tissue mula sa bukol na nakita sa dibdib at susuriin kung ito ay malignant o benign.

Sariling Pagsusuri

Ang pagsusuri sa sarili ay makakatulong din upang malaman kung may pagbabago sa sariling dibdib.

  1. Sa loob ng shower

Gamit ang tatlong darili, paikot na suriin ang dibdib at alamin kung may nakakapang bukol. Mula sa gitna, ang kabuuan ng dibdib hanggang sa ilalim ng kili kili. Gawin ito sa loob ng shower buwan buwan.  Kapag may nakapang bukol ay ipaalam agad sa doktor.

  1. Sa harap ng malaking salamin

Tingnan ang dibdib sa harap ng salamin na ang inyong mga braso ay nasa gilid at pagkatapos ay itaas hanggang sa ulo ang magkabilang braso. Suriin kung may nagbago sa paligid ng dibdib, kung may namamaga, o pagbabago ng nipples.

  1. Nakahiga

Kapag nakahiga, ang tissue ng dibdib ay nakakalat din. Maglagay ng unan sa ilalim ng kanang bahagi ng balikat at ang kanang braso sa ilalim ng ulunan. Gamit ang kanang kamay, gamitin ang paikot na pag-eksamin sa kabuuan ng dibdib hanggang sa ilalim ng kili-kili. Magaan hanggang sa madiin upang masuring mabuti at pisilin ang nipples kung may lalabas na discharge. Ulitin ang pagsusuri sa kaliwang dibdib.

Ang unang paraan upang magapi ito ay ang pagpunta sa pinagkakatiwalaang doktor sa pinagkakatiwalaang ospital. Piliin ang ospital na dalubhasa sa ganitong sakit.

Narito ang listahan ng tatlong mahuhusay na ospital na naaayon sa kanilang ranggo:
  1. Cancer Institute Ariake Hospital

Ang Cancer Institute ng Japanese Foundation for Cancer Research (JFCR) ay isa sa mga nangungunang medical at biological research institutes sa Japan. Ang American Journal Science ang naglagay ng isang special feature sa Japan noong 1992, ang Cancer Institute ay inilarawan bilang isa sa kinikilala at respetadong institusyon sa buong mundo noong panahon.

Website: http://www.jfcr.or.jp/hospital-en/

  1. St. Luke’s International Hospital

Isang ospital na malawak ang sakop ng paggagamot. Ang ospital na ito ay unang binuksan bilang isang medical mission facility at ngayon ay kinukonsidera bilang isa sa pinakamalaki at pinakakumprehensibong pasilidad ng panggagamot sa central Tokyo. Iba’t ibang departamento kung saan may kanya-kanyang eksperto o dalubahasang manggagamot na tutulong sa bawat pasyente.

Website: http://hospital.luke.ac.jp/eng/

  1. National Cancer Research Center Tokyo

Isa sa mahuhusay na ospital ukol sa pananaliksik at paggamot sa iba’t ibang klase ng cancer. Layon ng ospital na ito na makasaliksik at makatuklas ng tamang gamot upang mapuksa ang iba’t ibang klase ng sakit na ito. Nakatuon ang mga dalubhasa hindi lamang sa sakit na cancer kundi sa iba’t ibang klase ng sakit na dulot nito tulad ng depression at stress na nakapaloob dito. Isang grupo ng mga doktor na eksperto sa kanilang larangan ang nagtutulung-tulong sa isang pasyente na may sakit na cancer. Dito isinasaalang-alang ang iba’t ibang opinyon upang makakuha ng isang perpektong solusyon na nauukol sa paggagamot ng naturang sakit.

Maraming iba’t ibang ospital sa buong Japan ang nagbibigay ng mataas na kalidad ng paggamot laban sa cancer. Ang bawat ospital ay may kanya-kanyang paraan ng paggagamot at iba’t ibang modernong kagamitan.

Website: http://www.ncc.go.jp/en/

Leave a Reply

%d bloggers like this: