Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Braised Beef Ribs in Bourbon Barbecue Sauce

Sangkap:
  • 2 kg beef short ribs
  • 4 tasang beef stock
  • ½ tasang barbecue sauce
  • 1 tasang dry red wine (Cabernet Sauvignon)
  • 1 tasang bourbon
  • 2 kutsarang tomato paste
  • 1 sibuyas,tadtarin
  • 1 carrots, tadtarin
  • 1 tangkay ng celery, tadtarin
  • 2 pirasong bay leaves
  • ½ kutsaritang dried thyme
  • asin
  • paminta
  • oil
Paraan:
  1. Hilamusan ng asin at paminta ang short ribs.  Itabi.
  2. Sa isang malkig Dutch oven, maglagay ng tamang dami ng mantika at ilagay ang short ribs at lutuin hanggang ang lahat ng sides ng ribs ay maging brown, hanguin at itabi.
  3. Sa pareho Dutch oven, magdagdag ng mantika kung kinakailangan, sa katamtamang init ng apoy, ilagay ang sibuyas, carrots at celery at igisa.
  4. Idagdag ang tomato paste at iluto sa loob ng isang minuto hanggang bumango ang amoy.
  5. Idagdag ang wine at bourbon at hayaang kumulo hanggang ang sabaw ay medyo mabawasan ng kalahati.
  6. Idagdag ang beef stock, bay leaves, thyme at beef.  Pakuluin.
  7. Takpan ang Dutch oven at ilagay sa 140 C ( 284 F) at lutuin sa loob ng 1 1/2 oras.
  8. Laging i-check ang dami ng tubig at madagdag kung kinakailangan. Ilagay ang  barbecue sauce at alisin ang  bay leaves at carrots.  Iluto sa karagdagang 1 oras o hanggang ang beef ay malambot.
  9. Tanggalin ang Dutch oven at hayaang lumamig ng kaunti at hanguin ang beef sa sauce.  Ilagay ang Dutch oven sa ibabaw ng stove at lutuin pa ng karagdagang minuto o hanggang mabawasan pa ang sabaw.  Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng ribs at saka ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *