Home > Cover Focus > Bossing and Ai

Bossing and Ai

Pagkatapos ng matagumpay na unang tambalan nina Vic Sotto at Ai-Ai delas Alas na “My Bebe Love” ay sinundan ito ng isang show sa TV, “Hay Bahay” na tagumpay din sa ratings. Hindi na matatawaran ang tambalang ito. Gamay na nila ang isa’t isa dahil ipinanganak sila sa comedy. Hindi pa nagtatagal na matapos ang kanilang huling rom-com ay narito na agad ang kasunod, ang “Bossing and Ai.” Ito ay isang game show na siguradong kagigiliwan ng mga manonood. Si Bossing versus Queen of Comedy na magtatagisan ng talino linggu-linggo. Hindi na matatawaran ang chemistry ng dalawang comedy royalties na ito.

Masaya siya, iba siya. Happy show ‘to tapos new games, new gags ibang-iba ‘to. Ang layo nito dun sa dati naming show and masaya siya, millennial. Siguro mas makikita rito kung paano kaming magbiruan ni Bossing, at exciting kasi talagang paligsahan kami. Kailangan nilang abangan kung sino sa amin ang mas witty,” paglalahad ni Ai-Ai.

Samantala, hindi na nagpapa-intimidate si Bossing dahil sa matagal na silang magkakilala ni Ai-Ai at memoryado na nito ang taktika ng kanyang partner. “Kabisado ko na siya, kaya mas dapat siyang maghanda,” babala ni Bossing na natatawa lamang sa pagpapakenkoy ni Ai-Ai.

Kasama sa bagong game show nila na magdaragdag sa kasiyahan ay sina Jose Manalo na kilalang permanenteng sidekick ni Bossing at si Tart Carlos na permanenteng kasangga naman ni Ai-Ai. Kasama rin si Oyo Sotto bilang game master. Huwag palalampasin ang bagong comedy game show na ito at siguradong mag-e-enjoy ang lahat.

Nabanggit na rin lang ang pagiging matalik na magkaibigan nina Bossing at Ai-Ai, hindi ba ni minsan naging isyu ang pagiging close nila sa isa’t isa sa kani-kanilang mga mahal sa buhay? Hindi ba dumating sa puntong nagselos si Pauline, maybahay ni Vic, at si Gerald na fiance ni Ai-Ai sa pagiging magkaibigan at close ng dalawa?

Natatatawang sinagot ni Ai-Ai na ni sa hinagap ay hindi nakaramdam ng pagseselos ang kani-kanilang mga partners dahil walang malisya ang kanilang tambalan. Purong pagkakaibigan ang kanilang tambalan.

Si Vic na maligaya sa piling ng asawang si Pauline na baka habang sinusulat namin ang artikulong ito ay nakapanganak na o manganganak na anumang sandali. At si Ai-Ai na masayang tinanggap ang wedding proposal ng boyfriend na si Gerald Sibayan ay maligayang-maligaya sa piling nito.

Para kay Vic, sa estado ng kanyang buhay sa kasalukuyan, wala na raw siyang mahihiling pa. Nandyan ang kanyang pamilya at mga anak na sumusuporta sa kanya all the way – sina Danica at Oyo na mga anak niya kay Dina Bonnevie, si Paulina kay Paula Luz, si Vico kay Connie Reyes at ang magiging bagong miyembro ng kanyang pamilya, ang baby nila ni Pauline.

Busy man sa trabaho at ibang personal na negosyo ay hindi nakakalimutan ni Vic na pumunta sa “Eat Bulaga” dahil utang niya sa manonood ang kung sino at ano siya ngayon. Sa loob ng mahigit tatlong dekada sa telebisyon at pelikula, narito pa rin si Vic kasama sina Tito Sotto at Joey de Leon laging kasama ng mga manonod sa tanghalian. Maraming bagyo man ang pinagdaanan ay nakatayo pa rin sila. Kaya naman sa pamamagitan ng mga shows at taunang pelikula na ginagawa ni Vic ay inihahandog niya sa kanyang mga tagahanga.

Para sa Comedy Queen na si Ai-Ai, ang paglipat niya sa GMA 7 mula sa bakuran ng ABS-CBN ay inakala ng marami na suicide decision. Subalit ito ay pinasinungalingan niya dahil sunud-sunod na matagumpay na proyekto ang kanyang ginawa sa bakuran ng GMA 7. Bukod sa TV shows at pelikula ay naging abala rin si Ai Ai sa mga concerts abroad. Matapos ang kontrata ni Ai-Ai sa GMA 7 ay maraming haka-haka na siya ay babalik sa ABS-CBN dahil may naglabasang mga balita na nakita siya na kausap ang mga bosses ng Star Cinema. Hindi naman ito itinanggi ni AiAi, bagkus ay nai-share pa nga niya na masaya siya na nakatuntong uli siya sa bakuran ng dati niyang network, subalit hindi ibig sabihin nun ay mag-o-ober da bakod muli siya. Kamakailan lang ay pumirma ulit ng bagong kontrata si Ai-Ai sa GMA 7.

Kapag ang career ng isang tao ay successful, ang lovelife nito ang magsasa-suffer. Tried and tested na yan hindi lang sa showbiz kundi maging sa pribadong buhay. Para kay Ai-Ai, hindi man naging madali ang pagsabayin ang pag-ibig at career, hindi siya napagod na hanapin ang totoong ligaya ng kanyang buhay. Pagkatapos ng mapait na karanasan sa kanyang naunang lovelife, nagkaroon muli sya ng pagkakataong umibig muli. Ang kanyang boyfriend na si Gerald ang kanyang naging sandalan at katuwang sa kung anumang hamon sa buhay na kanyang hinarap. Kamakailan nga ay nagpahayag ng intensyong pagpapakasal ang kanyang boyfriend na tinanggap naman ni Ai-Ai. Maraming nagsabing hindi na nadala si Ai-Ai dahil mas bata na naman sa kanya ang kanyang napili. Naging tahimik na lamang si Ai-Ai upang protektahan na rin ang kanyang pribadong buhay.

Subalit itago mo man nang itago ay lalabas pa rin ang balita. Masayang-masaya ngayon si Ai-Ai at malapit na silang ikasal ni Gerald.

Sabi nga ng iba, ang swerte kapag dumating ay magsusunod-sunod ito. Nagwagi ng second international Best Actress Award si Ai-Ai sa Asean International Film Fest sa Malaysia. Bago pa rito ay nauna na siyang makakuha ng award mula sa 7th Queens World Film Fest sa New York. Ang kanyang mga awards ay mula sa pagganap niya bilang isang matandang prostitute sa pelikulang “Area.”
The Lord is so good to me at napakaswerte ko this year,” aniya.

Malaki ang pasasalamat ni Ai-Ai sa lahat ng mga sumusuporta sa kanya mula noon hanggang ngayon.

Leave a Reply

%d bloggers like this: