Home > Gourmet Galore > Black Forest Cheesecake

Black Forest Cheesecake

Sangkap:

Crust

  • 2 tasang dinurog na Oreo cookies kasama ang Vanilla filling
  • 3 kutsarang unsalted butter

Cherry Toppings

  • 2 tasang sariwang cherries, alisin ang buto
  • ¼ tasang tubig
  • ½ tasang asukal
  • 2 kutsarang lemon juice
  • 4 kutsaritang cornstarch
  • sariwang cherries, may buto at tangkay

Cheesecake

  • 3 paketeng 225g na cream cheese, palambutin
  • 1/3 tasang powdered sugar
  • 2 kutsaritang vanilla extract
  • 3 tasang whipped cream o thickened cream, palamigin
  • 4 kutsaritang, plain na gulaman,
  • 2 kutsarang mainit na tubig
  • 100 g dark chocolate
  • 2 kutsarang cream

Chocolate Bark

  • 150 g dark chocolate
  • 2 tbsp cream
Paraan:

Crust

  1. Pagsama-samahin ang lahat ng sangkap at siguruhing nahalong maigi at ang butter ay at naihalo ring maigi sa dinurog na Oreo cookies, idiing maigi (i-flat) ang oreo sa pie pan.
  2. Ilagay sa ref at palamigin sa loob ng 20 minuto.

Cherry Toppings

  1. Ilagay ang lahat ng sangkap, maliban sa sariwang cherries na may buto, gamit ang hand blender o mixer, i-blend lahat ng sangkap. Ilagay sa katamtamang init ng apoy at hayaang kumulo ang lahat ng sangkap at hayaang kumulo sa mahina apoy sa loob ng 5 minuto.
  2. Itabi at hayaang lumamig bago gamitin.

Chocolate Bark

  1. Sa isang double boiler, pagsamahin ang dark chocolate at cream. Kapag natunaw na ay ibuhos sa ibabaw ng baking sheet at takpan ng isa pang baking sheet, diinan ng rolling pin para nag-flatten at i-rolyo ang baking sheet.
  2. Ilagay sa freezer hanggang tumigas.
  3. Alisin sa freezer at alisin sa pagka-rolyo, dito magba-basag-basag o lamat ang chocolate at magpo-pormang bark o pinirasong chocolate. Itabi sa malamig na lugar.

Cheesecake

  1. Ilagay ang pinalambot na cream cheese sa isang mangkok kasama ang asukal at vanilla extract. Gamit ang electric mixer, haluin maigi ang cheese hanggang humalo ng husto ang lahat ng sangkap.
  2. Tunawin ang gulaman sa mainit na tubig. Hayaang lumamig. Kapag malamig na at idagdag ang cream cheese mixture, haluin hanggang maging fluffy o mamuo.
  3. Ilagay ang thickened cream at haluing mabuti. Ihiwalay ang 1/3 mixture sa ibang mangkok. Itabi.
  4. Sa double boiler, pagsamahin ang dark chocolate at cream, kapag natunaw na, ibuhos ang chocolate sa 1/3 na sangkap ng cream cheese mixture at haluin mabuti.
  5. Ibuhos sa ibabaw ng flatten na crust ( oreo cookies), ang unang patong ay ang chocolate cream cheese, pagkatapos ang susunod ay ang plain cream cheese at ang natitirang chocolate cream cheese.
  6. Lagyan sa ibabaw ng cherry sauce at sariwang cherries. Ilagay sa ref sa loob ng 6 na ora bago ihanda.
  7. Itusok ang mga bark ng chocolate sa cheesecake bilang palamuti at ihain.

Source: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

%d bloggers like this: