Home > Health > Bite into a Healthy Living

Bite into a Healthy Living

Ang pagkakaroon ng mga healthy habits tulad ng tamang pagkain, pag-eehersisyo at pag-iwas sa mga masasamang sangkap ay kinakailangan ng isang tao para sa maayos na pisikal, mental at emosyonal na kalusugan.

Hindi man madaling sanayin ang sarili na gawin ito araw-araw ngunit kung isasaisip na daan ito sa pagkakaroon ng malusog at maayos na pangangatawan ay hindi imposible na ito ay makasanayan.

Kinokontrol ang timbang. Ang pagkain ng tama at regular na ehersiyo ay nakakatulong para maiwasan ang labis na timbang at mapanatili ang tamang timbang. Ang pagiging aktibo sa pisikal ay mahalaga upang maabot ang mga layunin sa pagbaba ng timbang. Sa pamamagitan ng regular na ehersisyo ay maaaring mapabuti ang cardiovascular health, palakasin ang immune system, at dagdagan ang antas ng enerhiya. Ilan sa mga maaaring gawin ay ang paglalakad araw-araw at pag-akyat at baba sa hagdan sa halip na sumakay sa elevator o gumamit ng escalator.

Napapabuti ang mood. Ang pisikal na aktbidad ay nagpapasigla sa produksyon ng endorphins na brain chemicals na nagbibigay ng masaya at relax na pakiramdam sa tao. Kaya ang pag-eehersisyo ay makakadagdag sa tiwala at pagpapahalaga sa sarili. Nakakabawas din ito ng stress.

Nilalabanan ang mga sakit. Ang mga healthy habits ay nakakatulong para maiwasan ang ilang mga sakit tulad ng sakit sa puso, stroke, at mataas na presyon ng dugo. Ang regular na pisikal na aktibidad at wastong pagkain ay nakakatulong din upang maiwasan ang mga problema sa kalusugan tulad ng metabolic syndrome, diabetes, depression at ilang uri ng kanser. Siguraduhin din ang regular na check-up kada taon para maagapan ang anumang sakit.

Nagpapalakas ng enerhiya. Nakakaranas tayo ng tinatawag na “lethargic feeling” pagkatapos kumain ng hindi masustansyang pagkain. Ngunit kung balanced diet ang matatanggap ng katawan ay tamang antas ng enerhiya rin ang ibibigay nito sa atin. Kabilang sa healthy diet ang pagkain ng whole grains, lean meats, prutas at gulay.

Napapahaba ang buhay. Kung sasanayin ang sarili na magkaroon ng healthy habits ay mapapalakas nito ang pagkakataon na magkaroon ng mas mahabang buhay.

Ang mga healthy eating habits na dapat makasanayan ay ang mga sumusunod:

1. Pagkain ng masustansya at unprocessed na pagkain.

2. Pag-iwas sa mga hindi masustansyang paraan ng pagluluto tulad ng deep-frying.

3. Pagkain ng sakto at tamang dami ng pagkain.

4. Pagbawas sa pagkain sa mga restaurants at fast food chains.

5. Pag-inom ng walo hanggang 10 baso ng tubig kada araw.

Ang washoku

Sa Japan, kinikilala ng mga tao ang benepisyo ng pagkain ng washoku o traditional Japanese cuisine. Ito ay may apat na katangian: paggamit ng sariwang sangkap at ang natural nitong mga lasa, well-balanced at healthy diet, paggalang sa kalikasan na makikita sa presentasyon nito, at ang koneksyon nito sa taunang mga kaganapan.

Mayroon din tatlong pangunahing elemento ang washoku. Nariyan ang lutong kanin o gohan na nagsisilbing staple food, ang soup, ang side dishes at Japanese pickles. Ito ay karaniwang tinatawag na “Ichiju-Sansai” o bowl of soup and three side dishes.

Hindi lamang mahalaga ang pagkain ng washoku sa pangangatawan ng tao, pinapalakas din nito ang samahan ng pamilya na sabay-sabay na kumakain nito.

Leave a Reply

%d bloggers like this: