Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Berry Panna Cotta

Sangkap:

Panna cotta

  • 2 tasang cream
  • 1 tasang milk
  • 3 kutsaritang unflavoured gelatine
  • 1/2 tasang asukal na puti
  • 1 1/2 kutsaritang vanilla extract

Berry Toppings

  • 1 1/2 tasang strawberries
  • 1/2 tasang tubig
  • 3 kutsarang asukal
  • 2 kutsaritang cornstarch na inihalo sa 2 kutsarang tubig
  • sariwang blueberries
Paraan:
  1. Sa isang malaking mangkok, pagsamahin ang gatas at gelatin, itabi.
  2. Sa saucepan, paghaluin ang cream at asukal, ilagay sa stove at hayaang kumulo at saka babaan ang init ng apoy.
  3. Ibuhos ang milk mixture sa ibabaw ng sauce pan at haluin at patayin ang apoy.
  4. Ilagay sa 6 na maliit na ramekin dishes o dessert glass at hayaang lumamig at ilagay sa refrigerator.
  5. Ilagay ang lahat ng berry toppings sa blender pwera ang blueberries at cornstarch.
  6. Ibuhos ang na- blend na berry mixture sa sauce pan at pakuluin sa loob ng 5 minuto at saka ilagay ang cornstarch mixture. Hayaan kumulo hanggang lumapot ang berry sauce.
  7. Hanguin ang sauce mula sa sauce pan at hayaang lumamig, at kapag medyo malamig na, ihos ito sa ibabaw ng panna cotta at lagyan ng blueberries sa ibabaw, ilagay sa refrigerator sa loob ng 3 oras bago ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *