Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bellychon

Bellychon ay parang lechon pero imbes na buong lechon ay ang belly nito (liempo) ang ginamit. Tulad ng paghahanda sa pagluluto ng lechon (kasama ang paglalagay ng herbs at spices), maaari rin itong ihawin sa uling.

Ingredients
  • 2 kg manipis na pahabang parte ng liempo (pork belly) na may balat
  • 3 tangkay ng lemongrass, pitpitin
  • 3 tangkay ng spring onions
  • 4 piraso ng bawang, pitpitin
  • 1 maliit na sibuyas na pula, hiwain
  • Patis
  • ¼ tasang gatas (fresh milk)
  • Paminta
  • Asin
Paraan:
  1. Ihiga ang liempo, nasa ilalim ang parteng balat ng liempo at tusukin ang laman. Sa gitna, ilagay ang bawang at lagyan ng patis at paminta.
  2. Ilagay ang lemongrass, scallions at hiniwang sibuyas sa gitna ng liempo at i-rolyong pabilog ang liempo at itali ng mahigpit gamit ang pisi. (1 inch ang layo sa bawat pagkakatali). Hilamusan ng asin sa kabuuang tinaling liempo at ilagay sa ref sa buong magdamag na walang takip para matuyo ang balat.
  3. Kinabukasan, alisin ang liempo mula sa ref 2 oras bago ito ihawin.
  4. Ilagay sa loob ng oven sa temperaturang 160C sa loob ng 2½ oras.
  5. Alsin ang liempo mula sa oven, punasan (sa pamamagitan ng brush) ng gatas, at ibalik sa loob ng oven at itaas ang temperatura sa 180C. Ituloy ang pagiihaw sa karagdagang 20-30 minuto o hanggang ang balat ay mag-golden brown at lumutong.
  6. Pagkaluto, alisin mula sa oven at hayaan lumamig sa loob ng 15 minuto at alisin ang tali at saka hiwain at ihain.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *