Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Bas-Uy

Ang Bas-uy ay isang popular na Ilonggo dish at tulad ng pinakbet (ng mga Ilokano) ay maraming paraan ang pagluluto ng ulam na ito. Ang tanging sangkap na dapat mayroon sa lutuing ito ay ang pork, liver, lemongrass at gulay na galing sa pamilya ng kalabasa o upo. Ito ay masarap kainin sa agahan na may kasamang kanin at tuyo.

Sangkap:
  • 2 pirasong malaking sayote, hiwain
  • 400 g pork shoulder, hiwaing manipis
  • 150 g pork liver, hiwaing manipis
  • 2 kamatis, hiwain
  • 4 tangkay ng spring onions, tadtarin
  • 1 maliit na luya, hiwaing pahaba
  • 1 puting sibuyas, tadtarin
  • 6 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 2 tangkay ng lemongrass, italing magkasama
  • 6 tasang pork stock
  • mantika
  • patis
  • paminta
Paraan:
  1. Sa kaserola, initin ang mantika at ilagay ang atay ng baboy. Haluin hanggang magkulay brown at hanguin at itabi.
  2. Gamit ang parehas na kaserola, magdagdag ng mantika kung kinakailangan at igisa ang bawang, sibuyas at luya.
  3. Ilagay ang baboy at haluin sa loob ng 5 minuto.
  4. Idagdag ang kamatis at haluin hanggang lumambot ito.
  5. Ibuhos ang pork stock at pakuluin, ilagay ang tanglad at pakuluin sa loob ng 30 minuto.
  6. Ihalo ang atay ng baboy at sayote at iluto sa karagdagang 8 minuto.
  7. Idagdag ang spring onion at lutuin sa karagdagang 2 minuto.
  8. Lasahan ng patis at paminta at ihain na may kasamang mainit na kanin.

Thank you: Raymund Macaalay (recipe & photo) http://www.angsarap.net/

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *