Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Bagyong “Gener” ginulat ang PAG-ASA

Sa patuloy na pananalasa ng bagyong “Gener” sa bansa, ginulat nito ang mga kawani ng Philippine Atmospheric, Geophysical and Astronomical Services Administration (PAG-ASA) dahil may mga detalye silang hindi naitala para sa publiko. Hindi inaasahan ng ahensya na ang malalakas na hangin at malalaking patak ng ulan na tumama sa Metro Manila ay mararanasan ng mga taga-Calabarzon at Central Luzon. Batid ng ahensya na pinalakas ng southwest monsoon ang bagyo ngunit hindi nito naiulat na ang lakas ng hangin ay pumapalo sa 55 kph na kasinlakas ng Storm Signal #2. Sa ngayon, namataan na ang sentro ng bagyo ay nasa Basco, Batanes at paalis na nang bansa ngunit base sa kuha ng mga satellite photos, patuloy pa rin ang buhos ng malalakas na ulan. (Philippine Daily Inquirer)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *