Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Latest News

Bagong lighting tech sa Maynila

Gumagamit na ng bagong lighting technology ang lokal na pamahalaan ng Maynila para makatipid sa konsumo ng kuryente.

Ang Roxas Boulevard ang unang nakaranas ng bagong lighting technology.  Ipinagmalaki ni Manila Mayor Alfredo Lim na ang Maynila ang kauna-unahang naglagay ng LED lights sa bansa. Ito umano ay tanyag na sa buong mundo na ginagamit habang pinapanood ang paglubog ng araw.

Kilalang-kilala umano ang LED lights partikular na sa Paris na tinawag na ‘The City of Lights’, gayundin sa China at sa ilan pang states tulad ng Cali­fornia, Chicago at New York, na napababa ng triple ang konsumo sa kuryente.

Susunod umanong lalagyan ng LED lights ang Ramon Magsaysay Boulevard, Tayuman, C.M. Recto Avenue, A. Mabini, Juan Luna at  M.H. Del Pilar, para mawala ang mga masasamang elemento na nagsasamantala sa madidilim na lugar.- (Abante-Tonite)

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *