Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Apple Cider Braised Pork

Apple Cider Braised Pork
Sangkap:
  • 800g makapal na hiwa ng pork (shoulder) chop
  • 1 stick ng celery, hiwaing manipis
  • 2 pirasong mansanas (granny smith apples) o kahit fuji apples, balatan, hiwain at tanggalin ang matigas na parte ( kung saan ang buto).
  • 500ml apple cider
  • 2 kutsarang honey
  • 1 kutsarang dried sage
  • 1 sibuyas, hiwain ng manipis
  • 4 pirasong bawang, pitpiti nat hiwaing maliit
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Hilamusan ng asin at paminta ang baboy.
  2. Initin ang mantika sa kawali na maaaring takpan.  Ilagay ang pork chop at i-brown ang magkabilang sides at hanguin mula sa kawali at itabi.
  3. Idagdag ang sibuyas, bawang, at celery.  Haluin hanggang ang sibuyas ay malutong mabuti at mag-umpisang lumagkit o mag-caramelize.  Tatagal ito ng mga 8 minuto.
  4. Ibalik ang pork chop at ilagay ang cider, honey, sage at apples. Takpan ang kawali at pakuluin sa mababang init ng apoy sa loob ng 1 oras.  Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
  5. Hanguin mula sa kawali, ilagay ang piraso ng ;pork chops sa malaking plato, iwan ang sauce sa kawali.  Makikitang ang mga apple ay natunaw na sa sauce.
  6. Hayaang kumulo ang sauce ng 5 minuto at lasahan ng asin at paminta.  Kapag ang sauce ay sobrang lapot, dagdagan ng tubig.
  7. Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng pork chop at saka ihain.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net