Apple Cider Braised Pork
Sangkap:
- 800g makapal na hiwa ng pork (shoulder) chop
- 1 stick ng celery, hiwaing manipis
- 2 pirasong mansanas (granny smith apples) o kahit fuji apples, balatan, hiwain at tanggalin ang matigas na parte ( kung saan ang buto).
- 500ml apple cider
- 2 kutsarang honey
- 1 kutsarang dried sage
- 1 sibuyas, hiwain ng manipis
- 4 pirasong bawang, pitpiti nat hiwaing maliit
- asin
- paminta
- mantika
Paraan:
- Hilamusan ng asin at paminta ang baboy.
- Initin ang mantika sa kawali na maaaring takpan. Ilagay ang pork chop at i-brown ang magkabilang sides at hanguin mula sa kawali at itabi.
- Idagdag ang sibuyas, bawang, at celery. Haluin hanggang ang sibuyas ay malutong mabuti at mag-umpisang lumagkit o mag-caramelize. Tatagal ito ng mga 8 minuto.
- Ibalik ang pork chop at ilagay ang cider, honey, sage at apples. Takpan ang kawali at pakuluin sa mababang init ng apoy sa loob ng 1 oras. Dagdagan ng tubig kung kinakailangan.
- Hanguin mula sa kawali, ilagay ang piraso ng ;pork chops sa malaking plato, iwan ang sauce sa kawali. Makikitang ang mga apple ay natunaw na sa sauce.
- Hayaang kumulo ang sauce ng 5 minuto at lasahan ng asin at paminta. Kapag ang sauce ay sobrang lapot, dagdagan ng tubig.
- Ibuhos ang sauce sa ibabaw ng pork chop at saka ihain.
Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net