Home > Gourmet Galore > Asadong Pork Giniling with Quail Egg and Mushroom

Asadong Pork Giniling with Quail Egg and Mushroom

Sangkap:
  • 500 g giniling na baboy pork, 20% fat
  • 15 pirasong itlog ng pugo ( quail eggs), gawing hard boiled at alisin ang balat
  • 8 pirasong brown mushrooms, hiwain
  • ¼ tasang oyster sauce
  • ¼ tasang toyo (soy sauce)
  • 2 pirasong star anise
  • 1 kutsarang asukal
  • 1 tasang sabaw ng manok (chicken stock)
  • 2 kutsarang corn-starch, kanawin sa tubig
  • 3 tangkay ng sibuyas na mura(spring onion), tadtarin
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliliit
  • 1 maliit na sibuyas na puti, tadtarin
  • asin
  • paminta
  • mantika
Paraan:
  1. Sa kawali, igisa ang bawang at sibuyas sa mantika.
  2. Ilagay ang giniling na babaoy at lutuin hanggang magkulay brown.
  3. Ihalo ang mushroom, oyster sauce, soy sauce, star anise, asukal and chicken stock. Haluing mabuti. Pakuluin at kapag kumulo na ay bawasan ang apoy at hayaang kumulo sa loob ng 15 minuto habang nakatakip.
  4. Idagdag ang kinanaw na corn starch at ang itlog pugo, haluin hanggang ang sabaw ay medyo lumapot.
  5. Lasahan ng asin at paminta, ilagay ang sibuysa na mura sa ibabaw at ihain na may kasamang mainit na kanin.

Para sa iba pang recipes, puntahan lamang ang http://www.angsarap.net

Leave a Reply

%d bloggers like this: