Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Gourmet Galore

Aligue Rice

Maraming natatakot kumain ng aligue ng alimango dahil punumpuno ito ng kolesterol at mabilis makapagpataas ng dugo. Subalit ika nga nang iba, kung ano yung bawal ay yaong masarap. Ang aligue ay ang taba ng alimango na kung hindi man lahat ng Pinoy ay kumakain, mayroon din namang ina-appreciate ang lasa nito at mayroon mga chef gumagawa ng recipe gamit ang aligue ng alimango.

Sangkap:
  • 4 tasang malamig na jasmine rice
  • 3 kutsarang aligue
  • 2 kutsarang butter
  • 4 pirasong bawang, pitpitin at hiwaing maliit
  • 2 tangkay ng spring onions, hiwain
  • Paminta
  • Asin
Paraan:
  1. Painitin ang kawali at tunawin ang butter at saka igisa hanggang magkulay brown ang butter.
  2. Ihalo ang taba ng alimango at lutuin sa loob ng 1 minuto.
  3. Idagdag ang kanin at haluing maigi para magsama ang kanin at aligue.
  4. Ilagay ang spring onions at haluin sa loob ng 5 minuto, lasahan ng asain at paminta at ihain habang mainit.

Para sa iba pang recipe, bisitahin ang www.angsarap.net

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *