You are here
Home > Showbizz > Alden Richards, Hataw ang Career

Alden Richards, Hataw ang Career

Ngayong lantarang inamin ni Maine Mendoza na magkaibigan lamang sila ni Alden, maraming na-frustrate at marami ring natuwa dahil may ilang mga tagahanga na gustong makita si Alden na may kaparehang ibang leading lady. Hindi na nagpatumpik-tumpik pa ang pamunuan ng GMA artist dahil may usap-usapang si Jasmine Curtis ang magiging leading lady niya sa bagong teleserye na sa pagkakadinig namin ay mala-Korean Novela adaptation ng “Descendants of the Sun” ang teleserye. Marami ang nagdarasal na mag-push through ang proyektong ito na alam naming kasasabikan at susuportahan ng mas nakararaming tagahanga ni Alden.

Si Alden na naging tahimik nung panahong nawala muna sa eksena si Maine Mendoza at dahil dito ay mas maraming humanga kay Alden dahil sa pagiging gentleman at ma-respeto sa nararamdaman ng kapwa. Hindi na bago sa mga tagahanga kung gaano kabait si Alden. Ishine-share niya ang kanyang blessings sa mga taong nangangailangan ng tulong. Mabuhay ka, Alden at maraming nagdarasal na sana ay maging mas matagumpay ka pa sa iyong career.

Leave a Reply

Top
%d bloggers like this: