Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Showbizz

ABS-CBN Regional Channel, mapapanood na ng mga Pilipino sa iba’t-ibang panig ng mundo

Mapapanood na ng mga Pilipino sa iba’t-ibang bahagi ng mundo ang ABS-CBN Regional Channel (ARC) sa iba’t-ibang paraan kabilang na ang cable, satellite at digital platforms simula ngayong quarter.

Ang ABS-CBN Regional Channel (ARC) ay una nang inilunsad ng ABS-CBN sa Pilipinas upang magsilbing tulay sa mga Pilipino sa Metro Manila at mga probinsiya sa pamamagitan ng mga news, current affairs, entertainment at public service programs sa iba’t-ibang lenguwahe ng Pilipinas : Tagalog, Cebuano, Hiligaynon, Chavacano, Waray and Hiligaynon.

Patunay sa tagline nitong “the channel that brings Filipinos closer to home”, ibinabahagi ng ABS-CBN sa pamamagitan ng international arm nitong ABS-CBN Global Ltd. (ABS-CBN Global) ang ARC ngayon sa mga Pilipino sa ibang bahagi ng mundo ang latest updates mula sa:

  • TV Patrol Northern Luzon (Baguio) na sakop ang Baguio, kabuuan ng Cordillera at La Union
  • North Central Luzon (Dagupan) na hatid ang mga news at issues sa Pangasinan at Northern parts ng Central Luzon
  • Southern Tagalog (Batangas) na nagpapalabas ng local newscast ng ABS-CBN Regional Channel sa Batangas
  • Central Visayas (Cebu), ang go-to source ng latest updates mula sa Mandaue City, Dumaguete, at Negros Oriental;
  • at Southern Mindanao (Davao) na sakop ang Davao City at iba pang bahagi ng Davao Region.

Binansagan ding the “channel that speaks your language”, naibabahagi ng ARC ang kulturang kinagisnan, lenguwaheng kinalakihan at pagkakataong makasalamuhang muli ang mga kababayan sa mga current affairs shows tulad ng “Mag-TV Na, ”isang telemagazine show na ibinabahagi ang kakaibang kultura ng bawat rehiyon sa iba’t-ibang bersyon: Atin `To (Baguio) Oragon (Bicol), Cebu (Cebuano), Amiga (Bacolod), Asenso Ta (Cagayan de Oro), Magnegosyo Ta (Davao), at De Aton Este (Zamboanga sa Chavacano version).

Mula naman sa content, hatid din ng ARC ang public service sa pamamagitan ng mga sumusunod na programa na nilikha ng ABS-CBN Lingkod Kapamilya Inc. na mapapanood sa North at Central Luzon;

  • Salandigan,” o sa salitang Hiligaynon, ay isang masasandalan, ang isang public service program na nagtutulay sa mga kababayan nangangailangan at tulong-gobyerno;
  • Ano Ngani,” isang Waraynon na programa na nagbibigay ng pagkakataon para makapagsalita tungkol sa issues na kanilang kinabibilangan ang ilang sikat na personalidad at
  • Agri Tayo Dito” tungkol sa agrikultura bilang isang paraan ng kabuhayan at dagdag-kita para sa mga OFs.

Mula telebisyon hanggang sa radio, kumpletos rekados ang ARC dahil bahagi rin ng offerings nito ang MOR 101.5 Bacolod at MOR 97.1 Cebu kung saan tampok ang Original Pilipino Music lalo na ang vernacular hits.

Ayon kay Ned Legaspi, ABS-CBN Global content head, “Mula nang inilunsad ang international arm ng ABS-CBN na ABS-CBN Global Ltd, walang patid na hinahatid ng ABS-CBN Global ang mga programa na nagpapakita ng ganda ng Pilipinas, ng ating kultura at kakayanan bilang mga Filipino. Dagdag sa marami nang mga programang naihatid ng ABS-CBN Global sa iba’t-ibang plataporma, patuloy ang pagsasaliksik at pagiibayo namin para sa aming mga programa.”

Dagdag ni Legaspi, “Ang ARC ay patunay sa mas lumalawig na serbisyo ng ABS-CBN sa ibang bansa. Makulay na kultura ng Pilipinas at sa pamamagitan ng ARC, nais naming patuloy na maging konektado ang mga Pinoy sa ibang bansa sa kanilang kinagisnan at pati sa kanilang mga kababayan.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *