Philippine Digest

Best pinoy portal in Japan

Community Watch

10th Annual Ms. & Mr. Little at Ms.&Mr. Thai-Philippines sa Japan

Ms. Phils.

Matagumpay na idinaos ang 10th Annual Ms. & Mr. Thai-Philippines sa Japan kasabay ang Little Ms. & Mr. Thai-Philippines sa Japan 2014. Noong nakaraang June 29, sa Gyoutoku Hall I&I Chiba.

Ang mga kalahok ay nagmula sa iba’t-ibang panig ng Japan kagaya ng Tokyo, Gunma, Chiba, Kanagawa, Ibaraki, Aichi at Saitama.

Ang nagkamit ng Major Awards ay sina Miai Tanaka Miss Philippines in Japan 2014, Kento Kiyota Mr. Philippines in Japan 2014, Kelly Ann Fujibuchi Miss 0570 Life Support Com, Yuna Goto Little Miss in Japan 2014, Masato Yoneyama Little Mr. in Japan 2014 , kabilang din ang Miss Thailand in Japan 2014 at Mr. Thailand in Japan 2014. Ang iba pang Special Awards gaya ng Best in Talent, Best in Swim wear, Best in Traditional Dress, Ms. & Mr. Popular at Miss Vote ay napanalunan ng mga karapat dapat na kandidato.

Ang layunin ng pageant na ito ay ang magkaroon ng magandang relasyon ang Pilipinas, Thai at Japan at makapag-bigay ng magandang opportunidad sa mga kabataang Filipino, Thai at maging sa mga half-Japanese na naninirahan dito sa Japan. Ito ang paraan ng Life Support, upang makatulong na magkaroon ng memorable experience at makamit ang ambisyon ng mga kabataan.

Sa event ay nagkaroon din ng pa-raffle kung saan ang mga masuwerteng manonood at supporters ng mga kalahok ay nanalo ng mini component, ipad at ang nag wagi ng pinakamalaking pa-premyo ay si Ms. Rona Carilo Takahashi na nanalo ng Round-trip Airline Ticket to Philippines.

Ang aktibidad na ito ay binuo bilang pasasalamat sa mga sumusuporta sa 0570 LSC Access Code. Ang service na ito ay pang tawag na Pilipinas, mabilis at madaling gamitin sa murang halaga na 23yen/minute. I-dial lamang ang 0570-300-876, pakinggan ang voice prompt, i-enter ang country code + area code + phone number at pindutin ang sharp (#) para mag-connect.

Ang pamunuan ng Life Support Com, Thai Division staff at Philippine Division staff kabilang sina Juliet, Cathy, Deb, Pam, Jun, Reychiel, Camille Eva at Nelson ay naging malaking bahagi upang mabuo at maging matagumpay ang event na ito.

 

Sa mga interesadong sumali sa pageant na ito at sa iba pa naming events gaya ng Sports Fest at Marathon ay maaari kayong tumawag sa 03-5636-0033 upang magpa-rehistro. 

Ang kabuuang video ng Miss & Mr Thai-Philippines in Japan 2014 ay mapapanood sa link na ito: vimeo.com/m/100378390.

 

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *